Ito ay base sa kwento ng kaibigan kong pulis.
Ako ay nasa pang 14 na taon na bilang pulis sa cebu, kaliwat kanan issue ng mga pulis laman ng mga radyo at tv pati narin sa social media. Pero hangangang ngayun nagseserbisyo parin ako ng matapat sa bayan, na walang halong kurupsyon.
Alam mo ba ang pinaka mahirap na dinanas nila bilang pulis?
Four(4) years in college
Kung gusto mo maging pulis, kailangan mo matapos ang kursong Bachelor of Science in Criminology “BSCRIM” 4 years ang bubunuin mo yan, kaya dapat mag aral ka ng mabuti. Dag-dag pahirap yung TUITION fee, at saka baon sa araw2x na gastusin laking probinsya ako kaya, nag rerenta lang ako ng boarding house sa halaga ng 1500 per month noon. Ma swerte na ako noon kapag may 20-50 baon araw2x sa college, malapit Madalas ako nag PROMISORY notes kapag oras nang EXAM na, kasi kulang ang perang pang bayad ko.
Pwede ka naman mag pulis kahit hindi ka graduate ng “BSCRIM” any 4 years course at dapat mo muna pasahin ang CIVIL service exam to be eligible to apply as PULIS.
Training
Sa training palang po, sobrang hirap na ng training, dapat disiplinado sa mga kilos mo, sa pag-kain at saka tulog mo. Araw araw naka skedule na iyon, anung oras ka dapat magising para sa panibagong training. Mostly kapag tapos kanang mag training na maging pulis batak2x na katawan mo, if pumasok ka na payat pag katapos ng 6 for sure katawan mo ay solidong-solido na yan.
Malayo sa Pamilya
Ako single pa naman ako nung nag pulis ako, ang hirap din malayu sa pamilya, iniisip kunalang na sa mga paghihirap ko ngayun ika aangat ng antas ng buhay ng PAMILYA ko. Bawat araw at gabi na wala ako sa kanilang paningin tinitiis ko para maging pulis. Sa loob ng 6 buwan sa mahirap na training, marami rin akong ka batch na sumuko dahil sa hirap at na missed na nila mga kanilang mga magulang, at the end marami naman rin nagpatuloy at nagpursige na makamit at mga pangarap na maging pulis.
Pag sunud sa BATAS
Ito ang mahirap sa aming mga pulis kapag nandyan kana sa serbisyo, ang hirap sundin ang batas talaga, lalo na kapag may mga marami kang kilala. Please naman po, hindi po kami taga pagtangol sa inyo palagi. Base sa experienced ko lang ahh, marami ng nag patulong sa akin na sisitahin mo na walang licensya, baka pwde pakawalan daw. Yung bigla kanalang tawagan dahil kilala karaw ng taong nadala sa presento dahil nagwala sa kalasingan.